Kilalanin ang VisaMax NZ Team

Team ng VisaMax NZ

Holly

Nagsimula ang aking karanasan sa sektor ng imigrasyon noong 2009 nang magtrabaho ako sa Immigration New Zealand sa sangay nila sa Hamilton bilang admin. Hindi nagtagal ay na-promote ako bilang Immigration Officer kung saan humawak ako ng mga temporary application, pangunahin na ang mga employment-based work visa at kalaunan ay mga relationship-based visa.

Noong 2014, nagdesisyon kaming bumalik sa maaraw na Hawkes Bay. Dahil kabisado ko na ang pasikot-sikot sa Immigration New Zealand at sanay na ako sa pabago-bago nilang mga requirement, naging madali ang paglipat ko sa "kabilang panig." 

Hindi nagtagal paglipat ko rito, nakilala ko si Bevan sa isang immigration law firm kung saan nagtrabaho ako bilang kanyang PA para tulungan ang mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo sa kanilang proseso ng imigrasyon.

‍

Team ng VisaMax NZ

Dexter

Nagmula si Dexter sa serbisyo publiko at may malawak na karanasan bilang abogado sa Pilipinas. Ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod ay dala niya sa kanyang bagong tungkulin dito sa New Zealand bilang isa sa ating mga Licensed Immigration Expert. Para sa ating mga kababayan, maaaring magbigay si Dexter ng iba't ibang serbisyo bilang inyong Immigration Adviser, interpreter, o legal counsel para sa paggawa ng inyong Affidavit, Special Power of Attorney (SPA), at iba pa ayon sa batas ng Pilipinas.

"Kabayan, sa VisaMax, siguradong tapat at murang serbisyo lamang"
Team ng VisaMax NZ

Si Edda

Si Edda ay isang kwalipikadong abogado at Licensed Immigration Adviser na nakabase sa Wellington na may karanasan sa iba't ibang kategorya ng visa.

Nagtapos siya ng abogasya sa Victoria University at may Graduate Diploma sa New Zealand Immigration Advice, at nagtatrabaho na siya sa larangan ng imigrasyon mula pa noong 2016.

Dahil nagmula sa Pilipinas, lubos na nauunawaan ni Edda ang pinagdadaanan ng mga migrante at ang mga totoong hamon na kinakaharap ng mga kliyente.

Team ng VisaMax NZ

Sacha

Dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pangangalaga ng hayop at administrasyon ng commercial real estate, dala ni Sacha sa VisaMax ang kakaibang timpla ng malasakit, propesyonalismo, at kahusayan sa pag-oorganisa. Mula sa Auckland at kasalukuyang naninirahan sa maaraw na Hawke’s Bay, ninanamnam niya ang mainit na panahon, relaks na pamumuhay, at lahat ng maiaalok ng masiglang rehiyong ito. Excited siyang tulungan kang makamit ang iyong pangarap sa NZ at nakatuon siya sa pagtiyak na magiging maayos ang buong proseso para sa iyo.

Team ng VisaMax NZ

Rowena

Mahigit isang dekada nang project coordinator si Rowena at sanay siyang tiyaking natutugunan sa tamang oras ang lahat ng mga gawain at komunikasyon. Naniniwala siya na ang bawat dokumento o impormasyon ay dapat bigyan ng halaga.

Dahil sa kanyang Bachelor degree sa Industrial Engineering, madali para sa kanya na intindihin ang iba't ibang pamamaraan at proseso ng isang organisasyon. Ang pag-alam sa mga hakbang at kinakailangan nito sa simula pa lang ay nakakabawas ng oras at nakakaiwas sa pagkaantala ng anumang transaksyon. Dito talaga mahusay si Rowena!

‍

Hayaan ninyong maging bahagi kami ng inyong TAGUMPAY bilang isang migrant at tulungan kayong gumaan ang inyong mga alalahanin. Narito kami para tumulong.

‍

Team ng VisaMax NZ

Milet

Si Milet ay may Bachelor of Science in Computer Data Processing Management at Master of Public Administration. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng abogasya, kaya naman dala niya ang matibay na kakayahan sa legal research at matalas na mata sa mga detalye sa kanyang trabaho. Masaya siyang tumutulong sa mga kliyente sa likod ng mga eksena at ipinagmamalaki niyang masiguro na ang bawat gawain ay natatapos nang wasto, mabilis, at may malasakit. Naniniwala siya na kapag ang trabaho ay ginawa nang may pag-iisip at tunay na dedikasyon, kusang susunod ang pinakamagandang resulta.

"Gamit ang kadalubhasaang nagpapabago sa mga hamon tungo sa oportunidad at sa mga transisyon tungo sa tagumpay, Basta pulido at may puso—do it the VisamaxNZ way!”
Team ng VisaMax NZ

Bevan

Mula pa noong 2007, nagbibigay na si Bevan ng ekspertong payo tungkol sa imigrasyon sa NZ.

“Madalas magbago ang mga batas at polisiya, pero ang pinaka-diwa ng imigrasyon ay ang mga tao. Ipinapakita ng aming mga pagpapahalaga na kami ay nagtatrabaho para sa iyo at sa iyong pamilya.”

“Ipinagmamalaki naming mag-alok ng makatarungang bayad kapalit ng ekspertong payo sa visa. Maaaring maging masalimuot ang imigrasyon at palagi kaming naghahanap ng mga paraan para mas mapadali ang paggabay sa iyo sa bawat hakbang.”
Team ng VisaMax NZ

Max

Ang unang dumarating sa opisina at ang huling umaalis.

Matapat. Parang lobo. Mahilig maglakad.

Ito si Max Dog, ang puso at kaluluwa ng VisamaxNZ.

Minsan ay mahirap ang buhay, pero huwag kang mag-alala! Maglakad-lakad tayo at mag-usap!

Pag-usapan natin ang iyong mga pangangailangan para sa visa at imigrasyon.